MANILA, Philippines – Inaprubahan na ng House Committee on Dangerous Drugs ang panukalang wire tapping laban sa mga drug syndicates o drug personalities.
Sa ilalim ng House bill 5839 na inihain ni Quezon Rep. Vicente Belmonte, isasama na ang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Law sa mga pwedeng aplayan ng wiretapping subalit kailangang may court order.
Ayon kay Belmonte, ang drug menace sa bansa ay maituturing ng national security threat kaya sa umpisa pa lamang ng drug transactions ay dapat nang naaagapan ito ng mga otoridad.
Nagkaisa naman ang PNP-AIDSOFT, Department of Justice, Philippine Drug Enforcement Agency at National Bureau of Investigation sa panukala dahil kailangan na anila ng ganitong mabigat na hakbang para magkaroon ng mas epektibong laban ang gobyerno sa mga sindikato ng droga.