MANILA, Philippines – Ipinagmalaki ng Malacañang ang tagumpay ni Filipino-Aussie Jason Day matapos manalo ito sa 2015 PGA championship, ayon kay PCOO Sec. Herminio Coloma Jr.
“Lalong pinatingkad ang kanyang pagwawagi nang kanyang naitala ang pinakamababang score sa isang major golf championship,” wika pa ni Sec. Coloma sa tagumpay ni Jason Day.
Wika pa ni Coloma, nakapagtala si Day ng record matapos itong matapos sa score na 20-under par na itinuturing na lowest na naitala sa kasaysayan ng golf sa isang championship tournament.