P648.2 B ‘pork’ nasilip sa 2016 budget

MANILA, Philippines – Mayroon pa ring P648.2 bilyong halaga ng pork barrel sa ilalim ng 2016 proposed national budget.

Ito ang natuklasan ni Kabataan partylist Rep. Terry Ridon taliwas sa naunang pahayag ni Budget Secretary Butch Abad na walang pork sa panukalang pambansang pondo.

Sinabi ni Ridon na minimum pa lamang ang halagang ito na 22% ng budget at maaaring madagdagan ang kanilang matukoy na pork habang patuloy nilang hinihimay ang panukalang budget.

Idinagdag pa ng kongresista na kasama sa ikina-classify nilang pork barrel ang mga alokasyon na bukas sa katiwalian at pagmamaniobrang politikal gayundin iyong nakadepende ang pagpapalabas at paggugol sa diskres­yon ni Pangulong Aquino at executive officials.

Sa P648.2 billion na itinuturing nilang pork sa budget, P439.4 bilyon dito ay mula sa Special Purpose Funds habang P217.8 billion ang lumps sum funds na nasa halos 49 ahensiya ng pamahalaan.

Naniniwala naman si Ridon na gagamitin itong instrumento ng administrasyon sa pamumulitika bilang panghatak ng suporta sa kandidato ng Liberal Party sa eleksyon.

Show comments