Re-shuffle sa Comelec

MANILA, Philippines - Pinag-aaralan ng Commission on Elections (Comelec) ang pagsasagawa ng balasahan sa hanay ng mga field officers bilang paghahanda sa 2016 elections.

Ayon kay Comelec spokesman James Jimenez kabilang sa mga maapektuhan ng  balasahan ay ang Regional Election Directors (REDs), Provincial Election Supervisors (PES), at city/municipal Election Officers (EOs).

Sinabi ni Jimenez na bahagi lamang ito ng  standard  preparation ng Comelec kung saan nagkakaroon ng evaluation at nire-reshuffle kung kinakailangan.

Ipinaliwanag ni Jimenez, layunin ng balasahan na  maiwasan na maging  pamilyar sa isa’t isa ang   Come­lec official, empleyado at mga kandidato  sa susunod na halalan. Gayunman, sinabi ni Jimenez na ang  balasahan ay depende sa magiging desisyon ng Comelec en banc.

 

Show comments