^

Bansa

‘Sta. Rosa ideklarang free-zone’

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hiniling kahapon kay Liberal Party standard bearer at DILG Sec. Mar Roxas na ideklarang free-zone ang Sta. Rosa City, Laguna sa darating na 2016 elections dahil maraming aspirante sa pagiging alkalde nito ang miyembro ng LP.

Sinabi ni Emmanuel Mateo ng Center for Anti-Graft and Corruption Prevention Inc. (The Center), upang masiguro ni Roxas ang ‘panalo’ sa Sta. Rosa City ay dapat ideklara na lamang nitong ‘libre-sona’ ang lungsod sa darating na 2016 elections.

Idinagdag pa ng The Center, kapag mayroong piniling LP candidate si Roxas sa Sta. Rosa City ay magpupunta sa ibang partido ang hindi nito mapipili.

“It will be a big loss of votes for the LP,” wika ni Mateo.

Kabilang sa mga aspirante sa mayoralty race ng Sta. Rosa City sa 2016 sina Vice Mayor Arnel DC Gomez, Congressman Danilo Ramon S. Fernandez at Celso O. Mercado na pawang miyembro ng LP.

Dagdag ni Mercado, kung dadaanin sa equity of incumbent rule ay dapat si VM Gomez ang piliin ng LP dahil siya ang bise-alkalde ng outgoing Mayor Arlene Arcillas na tatakbo namang kongresista sa 5th district ng Laguna.

Pero kung idedeklara na free-zone ang Sta. Rosa City ay magiging win-win solution ito para sa kanya at maging sa mga kandidato upang mabura ang ‘palakasan system’.

 

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANTI-GRAFT AND CORRUPTION PREVENTION INC

CELSO O

CONGRESSMAN DANILO RAMON S

EMMANUEL MATEO

GOMEZ

LIBERAL PARTY

MAR ROXAS

MAYOR ARLENE ARCILLAS

ROSA CITY

SANTA ROSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with