^

Bansa

Erap tumanggap ng parangal sa NCRPO

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tumanggap ng parangal si Manila Mayor Joseph Estrada mula sa National Capital Region Police Office (NCRPO) bunsod na rin sa mga suporta sa iba’t ibang programa ng Police Community Relations sa lungsod.

Mismong si NCRPO director Police Chief Supt. Joel D. Pagdilao ang nagbigay ng tropeo kay Manila City Administrator Ericson “Jojo” Alcovendaz, kinatawan ni Estrada sa ginanap na  20th Police Community Relations Month sa Camp Bagong Diwa.

Ayon kay Pagdilao, maayos na naipatutupad  nina Estrada at Manila Police District Director Chief Supt. Rolando Nana ang mga  PCR program kung saan mismong ang mga residente ang nakikinabang.

Malaking bagay umano ang pagbibigay ng prayoridad sa peace and order ng lungsod upang maging maunlad.

Lumilitaw na umaabot sa 8,841 ang naitalang  krimen noong nakaraang taon habang 11,468 noong 2013. Nangangahulugan lamang ito na tumaas ang crime solution efficiency mula 24.55% sa 38.05%.

Naglabas din ng P89 million si Estrada bilang financial assistance sa mga pulis kung saan sinabayan pa ito ng mga tulong ng Filipino-Chinese groups at PAGCOR na nagbigay ng 27 new patrol cars at 110 personal transporters.

ANG

CAMP BAGONG DIWA

JOEL D

MANILA CITY ADMINISTRATOR ERICSON

MANILA MAYOR JOSEPH ESTRADA

MANILA POLICE DISTRICT DIRECTOR CHIEF SUPT

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

NBSP

PAGDILAO

POLICE CHIEF SUPT

POLICE COMMUNITY RELATIONS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with