^

Bansa

Hanna apektado na ng habagat

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naapektuhan na ni bagyong Hanna ang habagat kayat apektado na nito ang Luzon kasama ang Min­doro, Marinduque, Romblon at Palawan (MIMAROPA) na makakaranas ng mga pag-uulan hanggang sa susunod na linggo.

Kahapon nananatili ang lakas ni Hanna habang lumalapit sa Batanes-Taiwan Area.

Alas-11 ng umaga, si Hanna ay namataan ng PAGASA sa layong 395 kilometro silangan hilagang-silangan ng Itbayat, Batanes taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 165 kilometro bawat oras at pagbugso na aabot sa 200 kilometro bawat oras.

Si Hanna ay kumikilos sa bilis na 20 kph.

Nakataas ang signal number 2 sa Batanes pro­vince kasama ang Itbayat at signal number 1 naman sa Calayan at Babuyan group of islands kasama ang Northern Cagayan.

Ngayong Sabado inaasahan na nasa labas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo.

ACIRC

ANG

BABUYAN

BATANES

BATANES-TAIWAN AREA

CALAYAN

ITBAYAT

MIMAROPA

NGAYONG SABADO

NORTHERN CAGAYAN

PHILIPPINE AREA OF RESPONSIBILITY

SI HANNA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with