TSONA ni Binay 'charot' lang - Lacierda
MANILA, Philippines – Muling sumagot ang Malacañang ngayong Miyerkules sa tuluy-tuloy na tirada ni Bise Presidente Jejomar Binay kay Pangulong Benigno Aquino III at sa administrasyon.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Edwin Lacierda na isang “charot” o joke ang "true" State of the Nation Address (TSONA) ni Binay nitong Lunes.
"Sadly, the Vice President has been hitting everyone like a shotgun, His TSONA (True Sona) was ‘charot,’” pahayag ni Lacierda.
Dagdag niya na may nakahandang solusyon ang gobyerno sa lahat ng pinunang problema ni Binay sa bansa, kabilang ang sira-sirang Metro Rail Transit-3.
"This is politics of hate at its crudest. He mentioned in his TSONA all the things that you'd be afraid of. We're telling Vice President Binay we're gonna solve all those problems," banggit ni Lacierda.
Sumagot din si Department of Transportation and Communications (DOTC) Secretary Jun Abaya at sinabing patuloy ang kanilang paghahanap ng solusyon at patunay dito ang pagdating ng mga bagong tren.
"The DOTC has already purchased 48 new train cars.. In fact, the prototype will arrive this month. This will increase the 15 train sets currently running during peak hours. 15 train sets is equivalent to 45 train cars, which number is nowhere near the seven trains he misleadingly claimed," wika ng kalihim nitong kamakalawa.
Mula nang magbitiw sa gabinete nitong Hunyo ay sunud-sunod na ang kaniyang tirade sa gobyerno na tinawag din niyang manhid at palpak.
Nauna nang pinaalala ni Lacierda kay Binay kung paano niya pinalakpakan ang mga tinatawag niya ngayong palpak noong unang limang taon niya bilang Bise Presidente.
- Latest