^

Bansa

Supertyphoon papasok sa PAR

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Papasok ngayong Miyerkules sa Philippine Area of Responsibility (PAR) si supertyphoon Soudelor.

Oras na pumasok si Soudelor sa PAR ay tatawagin itong Hanna.

Ayon sa PAGASA, si Soudelor ay may lakas ng hangin na umaabot sa 210 kilometro bawat oras at pagbugso na aabot sa 245kph.

Bagamat si Soudelor ay isang supertyphoon, hindi naman ito magtatagal sa bansa dahil pagpasok sa PAR ay tutungo agad sa direksiyong pa­puntang Taiwan.

Bagama’t hindi inaasahang magla-landfall sa anumang bahagi ng bansa ang bagyo, asahan nang uulanin ang Mindanao at Visayas area simula Martes hanggang ngayon.

Mararanasan sa Vi­sayas ngayong Huwe­bes ang pinakamalakas na pag-ulan sa pagbay­bay ng bagyo sa PAR habang uulanin din ang Katimugang Luzon pagsapit ng Huwebes at Biyernes.

Posibleng sa Huwe­bes maging makulimlim na sa Metro Manila at Biyernes naman makararanas ng mga pag-ulan hanggang Sabado.

ACIRC

AYON

BAGAMA

BAGAMAT

BIYERNES

HUWE

HUWEBES

KATIMUGANG LUZON

METRO MANILA

PHILIPPINE AREA OF RESPONSIBILITY

SOUDELOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with