^

Bansa

BIR sarado na sa ITR filing sa email

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Mula ngayong Agosto 2015 ay sarado na ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa pagtanggap ng income tax returns filing  sa pamamagitan ng email. Ito ay batay sa nakasaad sa isang memorandum order na ipinalabas ni BIR Chief Kim Henares dahilan sa napakaraming natatanggap ng ahensiya na invalid format ng BIR tax returns kasama na ang emails na walang attachments.

Sinasabing hindi sinusunod ng mga taxpayers ang pagkakasunod-sunod ng mga tanong sa BIR website na ito kaya nagiging invalid ang tax returns.

Dati binuksan ng BIR sa publiko ang eBIRForms email accounts para higit na mapabilis ang filing ng ITR at hindi na gumastos pa sa pamasahe at iwas hassle sa oras ang mga taxpayers pero dahil sa naturang problema ito ay hindi na ngayon bukas sa publiko.

Bunga nito, ang mga taxpayers na magpa-file ngayon ng ITR ay hindi na kailangang gamitin ang email bagkus ay dapat nang pumunta sa pinakamalapit na BIR office sa kanilang lugar.

AGOSTO

ANG

BIR

BUNGA

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

CHIEF KIM HENARES

DATI

HINDI

ITO

MULA

SINASABING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with