^

Bansa

P7.6 M shabu ibinaon sa paanan ng Mt. Iraya, suspek tugis ng PNP

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tugis ngayon ng Philippine National Police ang mga responsable sa paglilibing ng P7.6 million halaga ng shabu sa paanan ng Mt. Iraya sa Basco, Batanes.

Ayon kay Cagayan police regional director Chief Supt. Ranier Idio, iniimbestigahan na nila ang pagkakakilanlan ng mga taong nasa likod ng paglilibing ng mahigit sa dalawang kilo ng shabu na nadiskubre noong nakaraang linggo.

Ang 2.543 kilo ng kontrabando ay narekober noong July 28 ng hapon kasunod ng impormasyon hinggil sa nakatagong shabu na inilibing sa butas may 1.5 talampakan ang lalim.

Ang iligal na pulbura ay iniligay sa apat na pakete na tinatayang may street value na P7.6 million. Ito ay nakatago sa isang butas na ibinaon sa nasabing bundok sa Sitio Diohangu, Barangay San Joaquin sa Basco.

Sabi ni Idio ang pagkaka-rekober ay ginawa sa koo­perasyon ng Batanes at ng Basco police at ng Philippine Drug Enforcement Agency.

ACIRC

ANG

BARANGAY SAN JOAQUIN

BASCO

BATANES

CHIEF SUPT

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

MT. IRAYA

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

RANIER IDIO

SITIO DIOHANGU

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with