^

Bansa

Pinoy patay sa heat stroke sa Dubai

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang social worker na Pilipino na isa ring migrant rights’ activist ang namatay sa loob ng Philippine Consulate sa Dubai dahil umano sa heat stroke noong Martes ng umaga.

Kinumpirma ng isang opisyal ng konsulado ang pagkamatay ng biktimang si Alex Galano Lapore, 37,  bagaman iniimbestigahan pa ang dahilan ng pagkasawi nito, ayon sa isang ulat ng Emirates 24x7 News.

Sinabi naman ng mga kaibigan ni Lapore na kinakalap pa nila ang mga detalye hinggil sa kanyang pagkamatay  pero, ayon sa pangunang impormasyon mula sa ibang mga taong nasa paligid nang mga oras na iyon, bigla na lang itong hinimatay dahil sa heat stroke bago isinugod sa Al Rashid Hospital bagaman patay na ang biktima pagdating dito.

“Magpapalabas ang Philippines Consulate ng opisyal na pahayag hinggil sa kanyang pagkamatay.  

Sinuri ng mga Consulate official ang CCTV footage na nagpapakita kay Lapore na pumapasok sa konsulado at tumumba, nakasalampak sa semento ang mukha, hanggang magdugo at nawalan ng malay.

Hindi pa mabatid ang medical history ni Lapore pero sinasabi ng kanyang mga kaibigan na meron siyang hypertension. Isinaad sa isa niyang  ipinoste sa Facebook na nagdiwang siya ng kanyang kaarawan noong Hulyo 11 at meron siyang healthy lifestyle.

“Limang taon ko nang kakilala si Alex at hindi namin mabatid ang talagang nangyari. Pumasok siya sa compound at pumila para sa isang transaksyon. Meron siyang dalang mga papeles at naghihintay na maasikaso nang matumba at mawalan ng malay,” sabi ni Tatskie na kasamahan ni Lapore sa grupong Migrante.

AL RASHID HOSPITAL

ALEX

ALEX GALANO LAPORE

ANG

DUBAI

FACEBOOK

HULYO

LAPORE

MGA

PHILIPPINE CONSULATE

PHILIPPINES CONSULATE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with