‘Aquinos kaibigan pa rin’ - VP Binay

Sina President Aquino (kanan) at Vice President Jejomar Binay Kuha ni VAL RODRIGUEZ

‘MANILA, Philippines - Sa kabila ng pahayag ng mga presidential sisters na hindi na makakakuha ng suporta mula sa kanila si Vice President Jejomar Binay sa 2016 presidential elections,  sinabi ng Bise Presidente na mananatili pa ring kaibigan ng kanyang pamilya ang mga Aquinos.

Ayon kay Binay, nirerespeto niya ang desisyon ng Aquino sisters na hindi siya suportahan sa 2016 elections at sa kabila nito ay kaibigan pa rin ang turing nito sa kanila at kanyang pamilya.

Ang pamilya Binay at Aquino ay matagal nang magkaibigan at napanatili nila ang kanilang magandang relasyon simula pa noong 1980s. Unang naging appointee ni dating Pangulong Corazon Aquino si Binay nang manumpa ang una bilang bagong presidente noong 1986.

Sa kabila nito, kinumpirma ni Binay na makakakuha pa rin siya ng suporta mula sa ibang miyembro ng pa­mi­l­ya Aquino, mula kay dating Tarlac Rep. Jose “Peping” Coguangco, Jr. na isa sa mga tiyuhin ng presidente.

Ayon kay Binay, pakiramdam niya ay “underdog” siya sa laban sa 2016 pero nakatutok pa rin umano siya sa kanyang “counter punch”.

Sinabi ni Binay na hinding-hindi magiging mataas ang kanyang kumpiyansa at lagi niyang kinukonsidera ang sarili na underdog sa kanyang buong political career habang pinaghahandaan niya ang “return match” kay Interior and Local Government Secretary Mar Roxas na natalo na niya noong 2010 elections. Si Roxas ay inaasahang pormal na ieendorso ng Pangulo ngayong araw na kanilang standard bearer sa 2016. 

Show comments