^

Bansa

Probe sa nagkasalang doktor ok sa QCEC

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagpahayag kahapon ng suporta ang Quezon City Eye Center sa pa­nawagan ng Philippine College of Physicians na imbestigahan at parusahan ang mga doktor na nandadaya sa mga false claim sa PhilHealth.

Gayunman, sinabi ng QCEC na dapat isagawa nang maingat at merong due process ang naturang imbestigasyon.

Sinabi ni QCEC Medical Director Dr. Edgardo Aguirre na siya at ang kanyang institusyon ay laging sumusuporta sa anumang pagsisikap na kalusin ang mga tiwali sa kanilang propesyon.

Pero arbitraryo anya umano ang ginawa ng PhilHealth nang suspindihin nito ang pagbabayad sa claim para sa kanila nang walang sinunod na due process.

“Ginawa ng PhilHealth ang desisyon nito nang hindi tinatapos ang audit report nito at hindi kami binigyan ng tsansang makapagpakita ng mga dokumentong magpapatunay na inosente kami. Wala nga silang ebidensiya na nagsasangkot sa amin sa kontrobersiya bukod sa pagpapakita ng mga pinalaking datos na aming kinukuwestyon at sumisira sa aming reputasyong pinangangambahan naming hindi na namin mababawi,” hinaing ni Aguirre.

Batid anya ni Dr. Lea­chon ng PCP na napaka­halaga sa sino mang duktor ang reputasyon. At pinatay ng PhilHealth ang reputasyon ng QCEC. Kinaladkad anya ng PhilHealth ang magandang pangalan ng QCEC sa national limelight sa mga pagdinig sa Senado na nagsakdal sa institusyon sa mata ng publiko.

“Bukas kami sa im­bestigasyon ng Senado,” dagdag ni Aguirre.

“Sana gawin namang credible ng PhilHealth ang mga detalye ng accusations nito nang hindi nadadamay ang mga lehitimong institusyon kagaya namin,” wika pa ni Aguirre.

ACIRC

AGUIRRE

ANG

BATID

BUKAS

DR. EDGARDO AGUIRRE

DR. LEA

MGA

PHILIPPINE COLLEGE OF PHYSICIANS

QUEZON CITY EYE CENTER

SENADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with