^

Bansa

GMA sinisi pa rin ni PNoy sa huling SONA

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hanggang sa huling State of the Nation Address ni Pangulong Benigno Aquino III ay sinisi pa din nito ang administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Inisa-isa ni Pangulong Aquino sa kanyang huling SONA ang mga nadiskubreng anomalya ng Arroyo administration.

Isinisi pa din ng Pa­ngulo ang mga problemang kinaharap niya sa nakaraang administrasyon ni dating Pangulong Arroyo dahil minana lamang niya ang mga ito.

Aniya, isa-isang binigyan ng solusyon ng kanyang administrasyon ang mga problemang minana niya kay Mrs. Arroyo.

“Dinatnan natin ang taumbayang namanhid na sa walang humpay na alegasyon ng kasinu­ngalingan, pandaraya, at pagnanakaw. Ipinagma­laki sa atin, sapat na raw ang mga classroom, ‘yun pala umaabot sa apat na shift ang mga klase: may pumapasok na madilim pa, at may umuuwing madilim na, pero lahat sila naiwan sa dilim dahil hindi sapat ang oras ng pag-aaral. Uninterrupted growth ang ibinida ng ating sinundan sa kanyang huling SONA, pero nang suriin po, malaking bahagi pala nito ay galing sa remittances ng mga taong nawalan ng pag-asa sa Pilipinas. Ika nga po, ‘people were voting with their feet,” wika pa ni Aquino.

ACIRC

ANG

ANIYA

AQUINO

MGA

MRS. ARROYO

PANGULONG AQUINO

PANGULONG ARROYO

PANGULONG BENIGNO AQUINO

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

STATE OF THE NATION ADDRESS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with