^

Bansa

INC napakaraming katiwalian, anomalya – Angel Manalo

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dismayado si  Angel Manalo, kapatid ni Iglesia ni Cristo (INC) executive minister Eduardo Manalo, dahil sa umano’y laganap na katiwalian sa kannilang samahan.

"Napakaraming anomalya, napakaraming tiwali na ginagawa ngayon sa Iglesia. 'Yun po ang ayaw namin," pahayag ni Angel sa kaniyang panayam sa dzMM.

Itinuturo niya ang Philippine Arena sa Bulacan na bunga ng katiwalian na aniya’y dapat ginastos na lamang sa pagpapagawa ng mga simbahan.

BASAHIN: Kahit masakit sa kalooban, INC itinawalag sina Angel, Tenny Manalo

"Nauubos na ang abuloy ng Iglesia sa kung anu-anong hindi naman kailangan," wika ng itinakwil na miyembro ng samahan.

"Hindi po kami papayag na lapastanganin po ang doktrina ng Iglesia ni Cristo," dagdag niya.

Nitong kamakalawa ay naglabas ng video si Angel at ang kaniyang inang si Tenny kung saan sinabi nilang nangangamba sila para sa kanilang buhay.

Dagdag nila na ang ilang ministro nila ay dinukot.

BASAHIN: Bago ang kanilang anibersaryo, Iglesia ni Cristo nagkakagulo

"Pinagbabantaan po kami. Iyun pong Sanggunian. Sinasabi lumalaban kami sa pamamahala," banggit ni Angel.

Samantala, pinabulaanan naman ni INC spokesman Edwin Zabala ang mga paratang ni Angel.

"Kahit hindi siya kapatid sa laman, masasaktan ang isang kaanib kung may paratang na ganyan. Wala po kaming ginagawang masama."

 

ANG

ANGEL

ANGEL MANALO

BULACAN

CRISTO

EDUARDO MANALO

EDWIN ZABALA

KAHIT

PHILIPPINE ARENA

QUOT

TENNY MANALO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with