^

Bansa

‘Fish holiday’ itinuloy sa Navotas

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Itinuloy kahapon ng Navotas Fishport Market Traders Association ang “fish holiday” nang hindi magtinda ng isda ang mayorya sa mga negos­yante bilang protesta sa bagong batas sa pangi­ngisda.

Sinabi ni Dr. Mario Pascual na tinututulan nila ang bagong amiyenda sa Fisheries Act of the Philippines na nagbabawal sa commercial fishing sa 15 kilometro ng dagat mula sa pampang.

Ipinagbabawal rin ang paggamit ng lambat at tanging bingwit ang pinapayagan habang hanggang tatlong kilo ng isda lamang ang pwedeng bingwitin.

Karaniwang kasagsagan ng bentahan ng isda sa Navotas fishport ng alas-3 ng madaling araw ngunit kahapon ay malinis na malinis sa banyera ng isda ang lugar ng pak­yawan.

Ngunit hindi rin lahat ay nakiisa. Dakong alas-6 ng umaga nang ibagsak ang mga isda mula sa mga lalawigan ng Batangas, Zambales at Ilocos.

Hinarangan naman ng ilang kasapi sa fish holiday ang pasukan ng Market 3.

 

ACIRC

ANG

BATANGAS

DAKONG

DR. MARIO PASCUAL

FISHERIES ACT OF THE PHILIPPINES

HINARANGAN

ILOCOS

IPINAGBABAWAL

ITINULOY

NAVOTAS FISHPORT MARKET TRADERS ASSOCIATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with