Abad kinasuhan ng plunder sa Ombudsman

MANILA, Philippines - Kinasuhan kahapon ng plunder sa Office of the Ombudsman si Budget Sec. Florencio Abad kaugnay sa pagpapatupad ng Disbursement Acceleration Program (DAP) na idineklara ng Korte Suprema na labag sa Konstitusyon.

Inihain ni Atty. Bonifacio Alentajan, dating pangulo ng Philippine Constitutional Association (Philconsa), ang plunder charges laban kay Abad sa Ombudsman.

Sinabi ni Atty. Alentajan sa kanyang reklamo na nilabag ni Abad ang Plunder Law, usurpation of legislative power and authority na nakasaad sa ilalim ng Article 177 ng Revised Penal Code.

Naging basehan ng reklamo ni Alentajan ang pamumudmod ni Abad ng P50 milyon sa bawat 19 na senador na bumoto para sa conviction ni da­ting Chief Justice Renato Corona sa impeachment nito noong 2012 na mismong ibinulgar ni Sen. Jinggoy Estrada sa kanyang privilege speech noong Sept. 25, 2013.

Hiniling din nito sa Ombudsman na patawan ng preventive suspension si Abad habang iniimbestigahan ang reklamo laban dito.

 

Show comments