MANILA, Philippines – Masakit man sa kanilang kalooban, itiniwalag ng Iglesia Ni Cristo ang ina at anak ni executive minister Eduardo Manalo ngayong Huwebes dahil sa umano’y panggugulo sa kanilang samahan.
"Hindi po makakapayag ang kapatid na Eduardo Manalo ang kasalukuyang tagapamahalang pangkalahatan na ang Iglesia ay guluhin ng sinumang tao," pahayag ni INC General Evangelist Bienvenido Santiago.
"Kaya masakit man sa loob ng kapatid na si Eduardo Manalo ay ipinasya nila na itiwalag iyong mga lumilikha ng mga pagkabaha-bahagi sa Iglesia.”\
BASAHIN: Bago ang kanilang anibersaryo, Iglesia ni Cristo nagkakagulo
Pinabulaanan din ni Santiago na dinukot ang ina at kapatid ni Manalo na sina Angel at Tenny at ang iba pang ministro.
"Dapat malaman ng lahat na ang Iglesia ay hindi isang korporasyon na pampamilya. Ito ay isang relihiyon na ang sinusunod ay ang mga patakaran at mga aral ng Diyos na nakasulat sa bibliya," banggit ni Santiago.