MANILA, Philippines – Patuloy ang paghina ng bagyong “Chedeng” habang tinutumbok nito ang central at northern luzon, ayon sa state weather bureau ngayong Biyernes.
Huling namataan ng PAGASA ang bagyo sa 700 kilometro silangan hilaga-silangan ng Virac, Catanduanes o sa 950 kilometro silangan timog-silangan ng Casiguran, Aurora kaninang alas-10 ng umaga.
Taglay na lamang ng pangatlong bagyo ngayong taon ang 150 kilometers per hour (kph) na lakas at bugsong aabot sa 185 kph, habang gumagalaw pa-kanluran hilaga-kanluran sa bilis na 17 kph.
Nakataas ang public storm warning signal sa Catanduanes at Camarines Sur.
Inaasahang tatama sa kalupaan ng Aurora-Isabela ang bagyo sa Linggo, ayon pa sa PAGASA.
Tinatayang lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang si Chedeng sa Lunes ng umaga.