'Chedeng' bahagyang humina, tinutumbok ang Luzon
MANILA, Philippines – Bahagyang humina ang bagyong “Chedeng” habang patuloy ang paggalaw nito pa-kanluran hilaga-kanluran, ayon sa state weather bureau ngayong Huwebes.
Sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na nasa 175 kilometers per hour (kph) na lamang ang lakas ni Chedeng na may bugsong aabot sa 210 kph.
Gumagalaw sa bilis na 19 kph ang pangatlong bagyo ngayong taon.
Huling namataan ng PAGASA ang bagyo sa 995 kilometro silangan ng Catarman, Northern Samar.
Nakatakdang maglabas ng public storm warning signal ang state weather bureau anumang oras ngayon.
Inaasahang tatama sa kalupaan ang bagyo sa Sabado o Linggo.
- Latest