DOJ kinontra sa pagsabing encounter ang Mamasapano
MANILA, Philippines – Mariing tinutulan ni House Adhoc Committee on the Bangsamoro chairman Rufus Rodriguez ang pahayag ni Justice Sec. Leila de Lima na hindi massacre kundi encounter lamang ang nangyari sa Mamasapano incident.
Ayon kay Rodriguez, tama naman si De Lima na sa mga unang oras ay nagkaroon talaga ng sagupaan sa pagitan ng mga miyembro ng MILF-BIFF at ng SAF.
Subalit dahil lagpas na ng tanghali ay bumibira pa rin ang MILF habang wala ng laban ang mga SAF troopers ay malinaw na masaker itong matatawag.
Kaya mas pinaniniwalaan pa ng kongresista sa ngayon ang PNP-BOI report na may overkill at massacre na nangyari kumpara sa resulta at sinasabi ng DOJ.
Samantala, ayaw naman pangunahan ni Speaker Feliciano Belmonte ang findings ng DOJ ngunit umaasa ito sa lalong madaling.
- Latest