‘Maysak’ lumalakas
MANILA, Philippines – Patuloy ang paglakas ni Typhoon Maysak (international name) na nagbabantang pumasok sa ating bansa ngayong Holy Week.
Kahapon ng alas-10 ng umaga, namataan ng Pagasa ang sentro ng bagyo sa layong 1,820 kilometro silangan ng Northern Mindanao taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 175 kph malapit sa gitna at may pagbugso na umaabot sa 210 kph.
Kumikilos ito pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 20 kph at kung hindi magbabago ang direksyon ay papasok ito sa karagatang sakop ng Pilipinas ngayong Miyerkoles ng gabi at tatawaging bagyong Chedeng.
Sa Sabado de Gloria ay inaasahang mararamdaman ang bagyo sa silangan ng Visayas at Luzon at inaasahang mag-land fall sa Central Luzon pagsapit ng Lunes, Abril 6.
Dahil may kalayuan pa ang bagyo, patuloy na nakakaranas kahapon ng mainit na panahon sa iba’t ibang panig ng bansa laluna sa Luzon partikular sa Metro Manila dahil sa paghina ng amihan.
- Latest