PNoy mag-iinspeksiyon sa seguridad sa Semana
MANILA, Philippines – Iinspeksyunin ni Pangulong Aquino ang mga sea ports, airports at bus terminal para personal na makita ang ginagawang paghahanda upang maging ligtas ang paglalakbay ng mga Filipino ngayong Semana Santa.
Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, ngayon at bukas (Martes) mag-iikot ang Pangulo sa mga paliparan, pantalan at bus terminal para tiyakin ang seguridad ng publiko na magbibiyahe ngayong Holy Week.
Ayon kay Lacierda, palagi naman itong ginagawa ng Pangulo mula nang simulan ang kanyang administrasyon.
“The President always does that from the time we started his administration, ang ating Pangulo po ay talagang dumadalaw, iniinspeksyon po itong ating mga terminals, mga shipping port, mga airport just to make sure that safety is the number one factor,” ani Lacierda sa Radyo ng Bayan.
May paalala rin ang Palasyo sa publiko ngayong panahon ng Semana Santa na panahon ng pagninilay-nilay.
“May we encourage our motorists to exhibit safety as they drive. We also would like to remind common carriers of their responsibility to exercise the ordinary diligence in conveying our Filipino passengers to and from their point of destinations.”
Sa Miyerkules inaasahang dadagsa sa mga pantalan, pier at paliparan ang mga biyahero lalo’t sa Huwebes na ang simula ng bakasyon ng maraming empleyado.
- Latest