MANILA, Philippines – Hindi na kailangang pagpawisan pa sa kapipila ang sinumang nais kumuha ng clearance mula sa National Bureau of Investigation (NBI) dahil simula sa Abril 1, 2015 ay ipatutupad na ang full online registration at electronic payment at appointment system sa buong bansa.
Ayon sa tagapagsalita ng NBI na si Nick Suarez:”We are rolling out this new procedure to help our brothers and sisters get their clearances fast and at most convenient way. Almost all of us are using internet, we better make use of them in transacting business with NBI.”
Walang dapat gawin kundi bisitahin lang ang www.nbi.gov.ph o clearance.nbi.gov.ph at doon ay ituturo na kung paano ang magparehistro sa pagkuha ng clearance, kumuha ng appointment para sa biometrics at kung saan at kailan dadalhin ang e-Payment receipt.
Sa araw na itinakda ay saka lamang personal na magtutungo sa NBI Clearance Center.
Mabilis na lamang umano ang pagtungo sa NBI para lamang sa mga bagong aplikante na wala pang biometrics at sa mga nakunan na ng biometrics ay hindi na kailangan ng appearance.