MANILA, Philippines - Nasa 20 lang sa 247 nagsipagtapos kahapon sa Philippine National Police Academy (PNPA) ang nais sumabak o maging kasapi ng Special Action Force (SAF), ang isa sa mga elite units ng pambansang pulisya.
Ayon kay PNP spokesman Chief Supt. Generoso Cerbo Jr. 225 dito ay nais mapunta sa hanay ng PNP.
Nasa 11 naman ang mapupunta sa Bureau of Fire Protection (BFP) at 10 sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).
Anim na opisyal na nasawi sa Mamasapano massacre ay nagsipagtapos sa PNPA.
Kabilang sa top 10 sina Cadets First Class Dennis Yuson Jr., Class Valedictorian ng General Santos City; Rod Kevin Talplacido ng Santa Rosa, Nueva Ecija; Marion Landing ng Cauayan, Negros Occidental; Raymund Caguioa ng Taguig City, Metro Manila; Michael Giner ng Diplahan, Zamboanga Sibugay; Kenneth Lumbre ng Nabua, Camarines Sur; Nathaniel Faulve ng Muntinlupa City, Metro Manila; Roel Bata ng Santa Rita, Pampanga; Mark Jonathan Avillano ng Tondo, Manila at Julie Anne Aguilar ng Antipolo City, Rizal.
Inihayag naman ng pamunuan ng akademya na trinatrato nila ng patas ang mga kadete at walang umiiral na diskriminasyon laban sa mga ito.