MANILA, Philippines - Graduate ng San Beda College of Law - Manila ang topnotcher sa 2014 Bar examinations.
Si Irene Mae Alcobilla ay nakakuha ng 85.5% na sinundan ng taga-Ateneo De Manila University (ADMU) na si Christian Drilon na nakakuha ng 85.45%.
Top 3 ang University of the Philippines (UP) student na si Sandra Mae Magalang na may 84.60%.
Sinabi ni Supreme Court Associate Justice Diosdado Peralta, chairman ng BAR noong nakaraang taon na umaabot sa 1,126 ang pumasa mula sa 5,984 na kumuha ng pagsusulit.
Ngayong taon ay ibinaba pa ang passing grade sa 73 percent upang mas marami ang makapasa.
Ang iba pang pasok sa top 10 ay sina: Bejemino, Mark Leo - UP - 84.55; Garcia, Gil II - Ateneo de Davao University - 84.55; Laco, Reginald - De La Salle Lipa - 84.55; Liao, Michelle - University of Cebu - 84. 50; David, Jose Angelo - San Beda College - 84.35; Aumentado, Adrian - San Beda College - 84.35; Daway, Rhey David - UP - 84.20; Diaz, Fideliz Cardellie - Far Eastern University - 84.20; Yu, Jamie Liz - UP - 84.00 at Delgado, Tristan Matthew - Ateneo de Manila University - 83.95.