MVP for President – Miriam

MANILA, Philippines – Ang mga tulad ng negosyanteng si Manny V. Pangilinan ang dapat maging Pangulo ng bansa, ayon sa batikang senador na si Miriam Defensor-Santiago.

"I want you to think about those. I want you think about Mr. Manny Pangilinan for president of the Republic of the Philippines," pahayag ni Santiago sa kanyang talumpati sa Maynilad na pagmamay-ari ni Pangilinan.

Dagdag niya na dapat ay isang tapat, may professional at academic excellence ang susunod na magiging pangulo ng bansa.

Sa kanyang panayam sa dzMM, ipinaliwanag ng senador ang tila pag-endorso kay Pangilinan.

“I'm just thinking aloud to the young people what type of candidate I have in mind," wika ni Santiago.

Hindi rin naman isinasantabi ng senador ang muling pagtakbo sa pinakamataas na posisyon ng bansa.

Show comments