^

Bansa

Tag-init idedeklara na ng PAGASA

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Posibleng ideklara na ng PAGASA ang pagpasok ng panahon ng tag-init ngayong papasok na linggo.

“Malapit na po at hopefully this week ay madeklara natin o ma-announce natin na tag-init na,” pahayag ni PAGASA weather forecaster Aldczar Aurelio, sa panayam ng DZMM.

Palatandaan na anya rito ang maalinsangang panahon na nararanasan sa bansa.

“Dapat sana e kalagitnaan ng Marso ‘yung pinaka-late na umpisa ng tag-init e hindi po nangyari e malapit na pong matapos ang Marso. Hopefully ngayong linggo (maideklara na ang summer).”

Ang inaasahang temperatura sa Metro Manila ay posibleng umabot sa 34-35 degrees Celsius habang sa Cabanatuan at Tuguegarao na kadalasang nagtatala ng highest temperature ay posibleng pumalo naman sa 38 degrees Celsius.

 

ALDCZAR AURELIO

CABANATUAN

DAPAT

MALAPIT

MARSO

METRO MANILA

PALATANDAAN

POSIBLENG

TUGUEGARAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with