MANILA, Philippines - “Off limits” pa rin na pasukin ng mga tao ang Mt. Banahaw sa lalawigan ng Quezon laluna ngayong holy week.
Ang Bundok Banahaw ang isa sa mga itinuturing na sagradong lugar na madalas puntahan ng mga taong nangingilin kapag Semana Santa dahil sa banal na tubig na nakukuha dito na magaling daw makagamot ng ibat ibang karamdaman.
Sinabi ni DENR 4A Calabarzon Regional Executive Director Reynulfo Juan hindi pa rin pinahihintulutan ang mga trekkers at pilgrims maging ang pagkakaroon ng religious activities sa Banahaw dahil isa na ito ngayong Protected Area.
Ani Juan, dulot ng pagdagsa noon ng mga tao sa Mt. Banahaw, nagmistulang basurahan ang tinagurian nilang ‘holy mountain’.
Marami na rin anyang humihiling sa ahensiya na isara na nang tuluyan ang Banahaw maging sa mga tradisyunal na nagsasagawa doon ng cultural at religious practices ng mga matatanda para mapangalagaan ng husto ang naturang bulkan.
Noong March 20, 2014 isang grupo ng pilgrims ang pumasok sa naturang restricted area at lumikha ng apoy ang mga ito dahilan para masunog ang bahagi ng kagubatan.