30th anniversary ng Rotary

MANILA, Philippines - Ipinagdiriwang ng Rotary International District 3810 Philippines na binubuo ng mga lugar sa Manila, Pasay, Cavite at Occidental Mindoro ang ika-30 taong anibersaryo ng Rotary na may temang “One Hundred Years and a Decade” sa pagdaraos ng District Conference 2015 sa Sofitel Hotel Manila ngayong Marso 20 at 21.

Ang District Conference ay taunang idinaraos sa pamamagitan ng iba’t ibang aktibidad na dinadaluhan ng libong Rotarians, kanilang pamilya at maging ang mga Earlyact, Interact at Rotaract Clubs.

Isa sa mahalaga sa Discon 2015 ang pag-iilaw sa Rotary Flame Torch para sa End Polio Program na dadaluhan ni Rotary International President’s Re­presentative Hoe Beng Fong ng D3310 ng Singapore.

Kabilang sa kumpirmadong dadalo ang iba’t ibag club kabilang ang Rotary Club of Malate Prime.

Show comments