^

Bansa

Overpricing sa LPG, pinasisiyasat

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinaiimbestigahan ni LPGMA partylist Rep. Arnel Ty sa Department of Energy-Department of Justice (DOE-DOJ) Task Force ang umano’y overpricing ng Liquified Petroleum Gas (LPG) ng mga bulk suppliers nito.

Sa inihaing reklamo ni Ty sa Task Force, pi­nakikilos nito ang nasabing mga ahensiya kasabay ng paalala na obligado ang lupon na aksyunan ito sa pinakamabilis na paraan.

Sinabi ng mambaba­tas, na 50 sentimo kada kilo o 5.50 kada 11kilogram cyclinder ang itinaas kamakailan ng bulk suppliers sa presyo ng LPG para sa retail consumers habang P1 hanggang P1.50 kada kilo naman ang itinaas para sa bulk costumers.

Iginiit ni Ty na walang basehan ang sobrang taas ng patong na ito sa presyo ng LPG dahil ang contract price umano sa abroad ay $471 per ton noong Pebrero habang $472 per ton nitong Marso.

Kaya nangangahulugan umano ito na hindi dapat hihigit sa apat na sentimos lamang kada kilo ng LPG ang itaas sa presyo nito dito sa bansa.

ARNEL TY

DEPARTMENT OF ENERGY-DEPARTMENT OF JUSTICE

IGINIIT

KAYA

LIQUIFIED PETROLEUM GAS

MARSO

PEBRERO

TASK FORCE

TY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with