PNoy dadalo sa PMA grad ngayon

STAR/File

BAGUIO CITY, Philippines - Dadalo ngayong umaga si Pangulong Aquino sa graduation rites ng Philippine Military Academy (PMA) Sinaglahi Class.

Pagkakalooban ng Pangulo ng Presidential Saber ang class valedictorian nitong si Arwin Martinez na mula sa lungsod na ito.

Pinili naman ng class valedictorian ng Sinaglahi Class of 2015 na sumapi sa Philippine Army (PA).

Ang class salutatorian na si Cdt 1st Class Genesis Dizon ang tatanggap ng Vice-Presidential Saber mula kay Vice-President Jejomar Binay.

Nag-iisang babae lamang ang pumasok sa top 10 ng graduating class na si Cdtte 1st Class Caroline Jhoy Ramirez na 5th rank mula sa kabuuang 171 na kadete. (Rudy Andal)

 

Show comments