BanKO wagi ng Global Mobile Award
MANILA, Philippines - Nakopo ng BPI Globe BanKO, ang unang mobilemicrosavings bank sa bansa at joint venture ng Globe Telecom at BPI, ang award para sa Best Use of Mobile in Emergency and Humanitarian Situations sa 20th Global Mobile Awards na ginanap sa Barcelona, Spain.
Nakipagtambalan sa global humanitarian organization Mercy Corps, ang emergency transfer program ng BanKO na tinawag na ‘TabangKO’ ay nagbigay-daan para direkta at mabilis na maipadala ang kinakailangang tulong pinansiyal sa may 25,000 pamilya sa Haiyan-affected communities at islands sa Visayas. Mahigit sa P100 milyong tulong ang direktang naipadala sa BanKO accounts ng mga benepisyaryo.
Sa halip na magkaloob ng paper vouchers o cash sa envelopes, ang Mercy Corps ay nakapagpadala ng cash transfers sa Haiyan survivors sa pamamagitan ng direkta, mabilis at ligtas na pamamaraan gamit ang mobile banking service ng BanKO. Ang mga benepisyaryo ay maaaring makakuha ng kinakailangan nilang halaga sa kanilang accounts sa pagtungo sa alinmang 4,000 partner outlets ng BanKO.
“TabangKO, as a mobile platform for financial aid, delivers tremendous benefit for our people living in highly vulnerable communities to become more resilient in the face of climactic disasters and external shocks. The recognition from Global Mobile Awards serves as an affirmation of our efforts to deliver innovative banking solutions, capitalizing on telecommunication and mobile technologies,” wika ni John Rubio, BPI Globe BanKO President & CEO.
Ayon kay Rubio, nang magkaroon ng pagtaya na babayuhin ng bagyong Hagupit ang parehong mga lugar na sinalanta ni ‘Haiyan’, ang BanKO at Mercy Corps ay nakapagpadala ng text messages sa lahat ng 25,000 benepisyaryo, naihanda sila sa paparating na bagyo, at nabigyan sila ng libreng mobile airtime credits upang tulungan sila sa gipit na pagkakataon.
Ang agarang cash aid na ipinadala sa pamamagitan ng TabangKO ay nakatulong nang malaki sa mga survivor na kinailangang bumili ng mga gamit upang makapagsimulang kumita ulit tungo sa pagbangon.
“Our warmest congratulations to all the winners of the 20th Global Mobile Awards,” sabi ni John Hoffman, CEO ng GSMA Ltd.
- Latest