^

Bansa

Mahigit 100 BIFF todas

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umaabot na sa mahigit 100 Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang napapaslang sa all out offensive ng tropa ng militar matapos ang panibagong engkuwentro sa Maguindanao nitong Miyerkules ng hapon.

Sinabi ni AFP spokesman Brig. Gen. Joselito Kakilala, nasa 20 pang bandido ang nasawi at nasugatan sa bakbakan sa swamp area ng Brgy. Pamalian, Shariff Saydona Mustapha.

Kabilang sa mga kumpirmadong nasawi ay dalawang pamangkin at isa pang kamag-anak ng wanted na bomb expert na si Abdul Basit Usman.

“This brought to 116 the total BIFF rebels killed since we launched all-out offensives–or a third of their estimated strength,” pahayag ni Kakilala na sinabing nasa 300 ang puwersa ng BIFF rebels na target sa inilunsad na all out offensive.

Sinabi nito na ang pagkamatay ng mga kaanak ni Usman ay indikasyon na malapit ng masukol si Usman.

“Usman uses his relatives as close in security. Now, we have footprints on Basit Usman,” ayon pa sa opisyal.

Pinabulaanan din ni Kakilala na nakatakas sa military operation sa SPMS box (Salvo, Pagatin, Mamasapano, Shariff Aguak) si Usman at ang lima pang dayuhang terorista na kasama nito.

“Accordingly, Usman is still within the SPMS box and its periphery,” ani Kakilala na iginiit na malabong makatakas sina Usman dahil maraming inilatag na checkpoint ang tropa ng militar sa tulong ng MILF.

Nitong Martes, inianunsyo ng AFP na 23 BIFF fighters ang napatay sa hangganan ng Datu Salibo at Datu Piang habang kamakailan ay nasa 73 BIFF naman ang nasawi sa all out offensive simula Pebrero 21 hanggang Marso 8.

Magpapatuloy ang all out offensive hanggang hindi napapanumbalik sa normal ang sitwasyon ng peace and order sa Cental Mindanao.

ABDUL BASIT USMAN

BANGSAMORO ISLAMIC FREEDOM FIGHTERS

BASIT USMAN

CENTAL MINDANAO

DATU PIANG

DATU SALIBO

JOSELITO KAKILALA

KAKILALA

USMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with