^

Bansa

Recall polls hinarang Contempt vs Bulacan gov, judge inihain

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inireklamo kahapon sa Commission on Elections (Comelec) si Bulacan Governor Wilhelmino Alvarado at ang judge na pumigil sa pagsisimula ng proseso para sa recall election sa naturang lalawigan.

Umapela si Perlita Mendoza  na agad magsagawa ng hearing sa kaniyang reklamong indirect contempt at parusahan sina Alvarado at  Judge Guillermo Agloro sa pagbalewala ng mga ito sa  Konstitusyon na nagbibigay ng natatanging kapangyarihan sa Comelec na magsagawa ng lahat ng proseso sa lahat ng halalan, kasama na ang recall election.

Pinuna ni Mendoza sa kaniyang reklamo na noon pang isang taon ay binasura na ng Malolos Regional Trial Court Branch 22 ang petisyon ni Alvarado para pigilan ang recall election dahil walang kapangyarihan ang korteng makialam sa anumang proseso ng halalan.

Noong Mayo 5, pinagtibay ng Office of the Provincial Election Supervisor ng Bulacan na supisyente at naayon sa batas ang recall election petition na ina­prubahan naman ng Come­lec sa ilalim ng Minute Resolution No. 14-03805.

Naghain ng mosyon si Alvarado noong Nov. 24 pero ibinasura rin ito ng Comelec at naghain sa Korte Suprema ng Petition for Certiorari with Application for Immediate Issuance of Temporary Restraining Order/Status Quo Ante Order pero walang TRO na inilabas ang SC kaya itinakda ng Comelec noong Feb. 24 ang beripikasyon  sa pirma ng recall petition hanggang Marso 23. Dahil ditto, naghain naman si Alvarado ng petisyon para sa isang TRO  sa sala ni Judge Agloro.

 

ALVARADO

BULACAN GOVERNOR WILHELMINO ALVARADO

COMELEC

IMMEDIATE ISSUANCE OF TEMPORARY RESTRAINING ORDER

JUDGE AGLORO

JUDGE GUILLERMO AGLORO

KORTE SUPREMA

MALOLOS REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with