MANILA, Philippines – Matapos makalabas ng ospital, humingi ng 30-araw na leave si Cavite Vice Governor Jolo Revilla upang tuluyang gumaling.
"He has for a 30-day leave from the province of Cavite after which, he is expected to report back to work barring any further complications from his injuries," pahayag ng tagapagsalita ng mga Revilla na si Raymond Fortun.
Ang naturang kahilingan ay may basbas ng mga doktor, dagdag ng tagapagsalita.
Samantala, ikinatuwa ng pamilyang Revilla ang pagpayag ng Sandiganbayan na mabisita ni Sen. Bong Revilla ang anak habang nakaratay sa ospital dahil sa tama ng bala sa dibdib.
"That visit lifted up Jolo's spirits, which led to a marked improvement in his disposition that very night," sabi pa ni Fortun.
Nakakulong ang Senador sa Philippine National Police Custodial Center sa Camp Crame, Quezon City dahil sa kasong plunder at graft kaugnay ng P10-bilyon pork barrel scam.