^

Bansa

Hollande, humanga sa Albay Green Economy program

Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Philippines – Humanga si French President Francois Hollande sa Albay Green Economy, isang pang-ekonomiyang programa kung saan kasama ang mga dimensiyon ng sustainable development at poverty alleviation na naka-angkla sa environment protection.

Inilahad at ipinaliwanag ni Albay Gov. Joey Salceda ang konsepto ng Albay Green Economy at iba pang mga kaakibat nitong programa kaugnay ng climate change adap­tation (CCA) at disas­ter risk reduction (DRR) sa isang state dinner na handog ni Pangulong Aquino sa Malacañang kamakailan para kay Hollande at kanyang mga kasamahan.

Bumisita sa Pilipinas ang Pangulo ng Francia nitong nakaraang Pebrero 26-27 para itawag ng suporta ang gaganaping 21st Conference of Parties ng UN Framework Convention on Climate Change o COP 21 sa Pa­ris sa Disyembre ngayong taon.

Sa kanyang presentasyon, sinuma ni Salceda ang mga biyayang dulot ng kanilang Albay Green Economy gaya ng sumusunod: Zero casualty sa mga kalamidad sa nakaraang ilang taon, 88% na paglawak ng forest cover ng Albay at paglawak ng bakhawanan o mangrove areas nito sa 2,400 ektarya mula 700 ektarya, pagsulong ng rice production sa 200,088 metric tons noong 2013 mula 147,291 metric tons noong 2008 sa kabila ng mga kalamidad, ambag na 250 MW geothermal power, paglago ng turismo sa 339,000 foreign tourists nitong nakaraang 2013 mula 8,700 noong 2006.

Pinuri din ang presentasyon ni Salceda ni 2008 Oscar Best Actress Marion Cotillard, na kasama ni Hollande at isa sa mga aktibong climate change adaptation campaigner, “Nakaka-inspire ang napakagandang pagkakalahad niya ng programa na sadyang kailangan,” pahayag ng French actress sa wikang Ingles.

Kinumbida ng French Embassy si Salceda dahil sa kabihasaan niya sa isyu ng ‘disaster preparedness’at dahil ang Albay ay “model for best practices in disaster risk management and prevention” sa buong mundo.

Personal na binati ni Hollande si Salceda sa kanyang mga natamong tagumpay bilang CCA at DRR champion, at sa ‘Zero Casualty’ record ng Albay sa maraming nagdaang mga kalamidad.

ALBAY

ALBAY GOV

ALBAY GREEN ECONOMY

CLIMATE CHANGE

CONFERENCE OF PARTIES

FRAMEWORK CONVENTION

FRENCH EMBASSY

SALCEDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with