^

Bansa

Poe galit, dismayado sa MILF

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Inamin kahapon ni Sen. Grace Poe na dismayado siya at galit sa Moro Islamic Liberation Front dahil sa patuloy ng pagmamatigas na isuko ang mga miyembro nilang sangkot sa pagpatay sa 44 commandos ng Special Action Force.

Sa isang panayam sa radyo, sinabi ni Poe na lumalabas na hindi kinikilala ng MILF ang jurisdiction ng gobyerno dahil sa pagmamatigas na isuko ang kanilang mga “fighters” na nakasagupa ng SAF noong Enero 25 sa Mamasapano, Maguindanao.

“Disappointed. In a way, angered,” ani Poe.

Sinabi rin ni Poe na bagaman at itinuturing na rebeldeng grupo ang MILF pero nakikipag-usap ang mga ito sa gobyerno sa pagsusulong ng usapang pangkapayapaan kaya marapat lamang na nagbigay sila ng ‘investment’ para sa kapayapaan.

Maliwanag naman aniya na hindi na “self defense” ang ginawa ng MILF ng lumusob sa Mamasapano ang SAF upang hulihin si Marwan.

“Kasi, malinaw na malinaw na yung mga soldiers were begging for their lives. Sinasabi nila na “Teka, teka, diba magka-ano tayo dito?” at binaril pa rin nila. So alam nila na yang mga iyan ay parte ng gobyerno, acting on an official capacity. At binaril nila. Talagang dagok iyan sa intensyon nila na magkaroon ng kasunduan,” ani Poe.

Samantala, nakatakdag ilabas ni Poe ang committee report sa isinagawang imbestigasyon sa Mamasapano sa ikatlong linggo ng Marso.

ENERO

GRACE POE

INAMIN

KASI

MAGUINDANAO

MALIWANAG

MAMASAPANO

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

SPECIAL ACTION FORCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with