^

Bansa

Summer job alok ng MMDA sa mga estudyante, out-of-school youth

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nag-alok ng trabaho ang Metro Manila Develop­ment Authority (MMDA) para sa mga estudyante at out-of-school youth ngayong summer sa ilalim ng Special Program for Employment of Students (SPES).

Mula Marso 23 hanggang Abril 10 ng taong kasalukuyan ay tatanggap ng mga aplikante ang administrative office ng MMDA.

Sinumang estudyante na nais samantalahin ang naturang oportunidad ng SPES, kailangang magprisinta ito ng certified photocopy ng birth certificate at baptismal certificate, na ang edad ay nasa 17 hanggang 25-anyos.

Kapag high school graduate, ang isusumite naman nito ay ang certified photocopy ng Form 138 at ang grado kahit papaano ay nasa 75 at yung mga nasa kolehiyo naman ay magpapakita ng kanilang registration class card na may pasadong grado.

Samantala para naman sa mga out-of-school youth, ang ipiprisinta ay ang certification ng good moral character na inisyu ng awtorisadong opisyal ng barangay.

Kailangang magsumite rin ng certified photocopy ng  latest income tax return ng taong 2013 mula sa Bureau of Internal Revenue, kung ang mga magulang ay nagtratrabaho at kumikita ng P138,247 pababa kada taon.

Kung ang magulang naman ay minimum wage earners, magpapakita naman ng certificate of tax exemption na inisyu ng BIR.

ABRIL

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

EMPLOYMENT OF STUDENTS

KAILANGANG

KAPAG

METRO MANILA DEVELOP

MULA MARSO

SPECIAL PROGRAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with