^

Bansa

8 siyudad sa Pinas madalas bisitahin ng kalamidad

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Matatagpuan sa bansang Pilipinas ang walo sa 10 mga siyudad sa mundo na madalas na tamaan ng iba’t ibang kalamidad.

Ito ay batay sa report ng isang risk analysis firm na Verisk Maplecroft matapos nilang busisiin ang mga insidente ng bagyo, baha, lindol, tsunami, sunog, pagputok ng bulkan at pagguho ng lupa sa 1,300 lunsod worldwide.

Sa kanilang talaan, top 1 sa lungsod sa mundo na risky sa kalamidad ang Port Vila na nasa kabisera ng Vanuatu, pangalawa ang Tuguegarao, Cagayan; Lucena, Quezon; Maynila; San Fernando, Pampanga; Cabanatuan, Nueva Ecija; Batangas; Taipei City sa Taiwan; San Carlos at Naga, Camarines Sur.

Sa ulat na ito ay sinasabing matatagpuan din sa Asya ang 100 bayang may pinakamaraming insidente ng kalamidad; 21 ang nasa Pilipinas, 16 sa China, 11 sa Japan at walo sa Bangladesh.

Ayon sa pag-aaral ng naturang kumpanya, ang problema ng Pilipinas sa mga dumarating na kalamidad sa bansa ay ang kakulangan nitong mapangasiwaan at mapangalagaan ang komunidad laluna ang mga naninirahan sa mga sinasalantang lugar, hindi agad makaresponde at makabangon mula sa epekto ng anumang kalamidad na tumatama sa ating bansa.

Gayunman, sinasabi rin sa pag-aaral na gumagawa naman ng paraan ang Pilipinas para bumuti ang pagtugon sa mga kalamidad kapag binabatikos na hinggil sa naging pagresponde partikular na ang super bagyong Yolanda na maraming tao ang namatay, nawalan ng tirahan at kabuhayan.

vuukle comment

ASYA

AYON

CAMARINES SUR

NUEVA ECIJA

PILIPINAS

PORT VILA

SAN CARLOS

SAN FERNANDO

TAIPEI CITY

VERISK MAPLECROFT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with