MANILA, Philippines - Binuksan na ng Comelec ang panibagong bidding para sa mga uupahang election machines para sa 2016 elections.
Ang rebidding ay para sa uupahang 23 libong unit ng Optical Mark Reader o OMR na nagkakahalaga ng P2.5 billion, at 410 Direct Recording Electronic o DRE Technology na nagkakahalaga ng mahigit P31.2-million.
Ang rebidding ay gagawin makaraang ideklara ng Comelec ang failure of bidding sa nasabing mga poll machine matapos mabigo ang Smartmatic-TIM at Indra Sistemas na makausad sa second stage ng naunang bidding.
Itinakda ang Pre-bid conference sa March 16, 2015 sa Comelec Session Hall sa Palacio del Gobernador sa Intramuros, Maynila,
Ang rebidding ay binuksan bagamat nakabinbin pa sa Comelec Bids and Awards Committee ang motion for reconsideration ng Smartmatic at Indra matapos silang ma-disqualify sa second stage ng naunang bidding.