^

Bansa

House arrest kay Enrile labag sa batas – Miriam

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi pabor si Senator Miriam Defensor-Santiago na isailalim sa house arrest si Senator Juan Ponce Enrile dahil labag ito sa batas.

Ayon kay Santiago, mahigpit na ipinagbabawal ng batas ang pagbi­bigay ng special treatment kung ito ay para sa isang tao lamang maliban na lang daw kung halos ito ay nasa bingit na ng kamatayan.

Ginawa ni Santiago ang reaksiyon sa harap ng mga panawagan ng ilang senador na isailalim na lang sa house arrest si Enrile ma­tapos maisugod sa Makati Medical Center dahil sa pneumonia­.

Giniit ng senador ang prinsipyo ng “equal protection of the law” o pantay­-pantay na pag­trato sa ilalim ng batas.

Anya, malamang magkaroon ng epidemya ng pneumonia sa mga bilangguan sa bansa kapag pinagbigyan si Enrile na isailalim sa house arrest.

Ibinigay pang halimbawa ni Santiago ang kaso ni dating Pangulong Gloria Arroyo na mayroon ding karamdaman pero naka-hospital arrest lang at wala sa kanyang tahanan.

Kung ang edad naman anya ang gagami­ting  konsiderasyon, iginiit ng senadora na marami ring matatandaang naka­kulong na namamatay na lamang sa bilangguan.

ANYA

AYON

ENRILE

GINAWA

MAKATI MEDICAL CENTER

PANGULONG GLORIA ARROYO

SENATOR JUAN PONCE ENRILE

SENATOR MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with