PNoy 'di pinagalitan ang SAF sa meeting - Malacañang

Pinabulaanan ng Malacañang ngayong Huwebes ang mga ulat na pinagalitan ni Pangulong Benigno Aquino III ang mga opisyal at miyembro ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF). Philstar.com/AJ Bolando

MANILA, Philippines – Pinabulaanan ng Malacañang ngayong Huwebes ang mga ulat na pinagalitan ni Pangulong Benigno Aquino III ang mga opisyal at miyembro ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) sa kanilang tatlong oras na pagpupulong kahapon.

Sinabi ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr. na walang basehan ang mga paratang kay Aquino.

"Para po sa mga nakakakilala sa karakter at pagkatao ng ating Pangulo, kilala naman po natin na siya ay isang malumanay na tao. He is not given to any type of emotional outburst," wika ni Coloma.

"Ni pagtataas boses o pagpapahayag ng emosyon, wala naman sigurong nakakapansin o makakapgsasabi na yan ay bahagi ng kanyang kinaugalian.”

Sinabi ni Coloma na naging open forum ang pagpupulong ng Pangulo at SAF kahapon kung saan nagkaroon ng palitan ng mga mungkahi.

Samantala, ipinaliwanag ng tagapagsalita kung bakit hindi natuloy ang talumpati ni Aquino sa bagong talagang hepe ng SAF na si Moro Virgilio Lazo.

Aniya mas mahalaga bull session ni Aquino sa mga opisyal ng PNP-SAF.

Show comments