MANILA, Philippines - Tinanggihan ni Sen. Juan Ponce Enrile ang mungkahing isailalim siya sa house arrest dahil sa kanyang katandaan at kalagayan.
Sinabi ni Jack Enrile, anak ng senador, na mas nais ng kanyang ama na makulong sa Philippine National Police Custodial Center sa loob ng Camp Crame sa lungsod ng Quezon.
"He wants there to be no doubt of his innocence and he wants the Filipino public to doubt the strength of this case," pahayag ng anak.
Isinugod sa Makati Medical Center nitong nakaraang linggo ang senador dahil sa pneumonia.
"I think Dr. Zamora said that his infection has been reduced to about 50 percent of what it originally was and it looks like he could be discharged within a week's time," pahayag ng nakababatang Enrile.
Inaresto nitong nakaraang taon ang Senador dahil sa kasong graft at plunder kaugnay ng pork barrel scam.