Foreign firm nag-alok ng tulong sa DOTC
MANILA, Philippines – Dalawang dayuhang kumpanya na kilala sa buong mundo bilang pioneer ng mga railway at transport companies sa bansang Germany ang nag-alok ng tulong sa Department of Transportation and Communication (DOTC) para solusyunan ang aberyang nagaganap sa Metro Rail Transit (MRT-3). Nagsumite ang Shunck-Group and HEAG mobile, na kapwa may 100 taong karanasan sa larangan ng pag-operate ng mga railways at iba pang transport modes, ng project proposal kay DOTC Undersecretary for Legal Affairs, Atty. Jose Perpetuo M. Lotilla na tinatawag nilang “Swiss Challenge” at nag-aalok ng kanilang ‘logistical support’ at ‘technology transfer’ sa rehabilitasyon at pag-upgrade ng MRT3 system.
- Latest