Graduation rites itinakda ng DepEd

MANILA, Philippines — Itinakda na ng Department of Education (DepEd) sa Marso 26 at 27 ang graduation ceremonies para sa mga pampublikong paaralan sa bansa.

Ayon kay DepEd Sec. Armin Luistro, ang tema ng graduation ngayong taon ay “Saktong Buhay: Sa De-kalidad na Edukasyon Pinanday”.

Highlights sa mga gaganaping graduation ang kahalagahan ng de-kalidad na edukasyon para sa mas magandang kinabukasan ng mga kabataang mag-aaral.

Pinaalalahanan din ni Luistro ang mga paaralan na panatilihing simple ngunit makahulugan ang idaraos na graduation rites.

Dapat rin aniyang nagsusulong ito ng civil rights, sense of community, at humihikayat ng personal res­ponsibilities.

Inatasan ng kalihim ang mga pinuno ng mga public schools na anumang gastusin sa graduation rites ay i-charge na lamang sa school Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) sa ilalim ng 2015 budget.

Anuman aniyang kontribusyon tulad ng para sa taunang yearbook ay dapat ring voluntary basis lamang.

Maaari ring mag-donate ng pondo ang Parent-Teacher Associations (PTAs) ngunit boluntaryo rin dapat ito.

Hindi rin aniya dapat gawing requirement para sa graduation ang mga non-academic projects tulad ng field trips, film showing, Junior/Senior (JS) Promenade at iba pang school events.

 

Show comments