^

Bansa

Fire prevention month simula na

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Fire Prevention Month na kaya muling nagpaalala ang Bureau of Fire Protection (BFP) sa publiko na maging fire conscious at gawin araw-araw ang fire prevention upang ma­ging ligtas laluna ngayong mainit ang panahon.

Nanawagan din si BFP-NCR spokesman FC/Insp. Renato Marcial sa publiko na makipagtulungan sa ahensiya upang mapagtagumpayan ang kampanya para mapangalagaan ang kapakanan ng mga tao at mga ari-arian.

Ilan sa mga simpleng dapat gawin ng publiko ang pagtiyak na safe ang mga bagay na magdudulot ng sunog, katulad ng pag-check sa mga gas stove kung naka-off, mga upos ng sigarilyo at ‘wag mag-iiwan ng nakasinding kandila.

Kahapon, hindi pa man nagsisimula ang fire prevention month ay isang sunog na ang naitala sa isang pitong palapag na Gateway 2000 building sa may Araneta Ave. sa QC na umabot na sa Task Force Bravo ang sunog as of 11:50 ng umaga kahapon. Ang sunog ay Biyernes pa ng gabi.

Sinundan ito ng isa pang sunog sa residential area sa Pasig na tumagal ng halos 5 oras kung saan mahigit 1,000 pamilya ang nawalan ng tirahan.

Samantala, sisimulan bukas ng BFP ang mga aktibidades para sa Fire Prevention Month sa National Capital Region (NCR) na may temang “kaligtasan sa sunog, alamin, gawin at isabuhay”.

Magkakaroon ng motorcade at iba pang fire awareness campaign habang idaraos nag kauna-unahang fire fighting olympics kung saan magpapaligsahan ang mga bumbero at fire volun­teers.

ARANETA AVE

BIYERNES

BUREAU OF FIRE PROTECTION

FIRE

FIRE PREVENTION MONTH

NATIONAL CAPITAL REGION

RENATO MARCIAL

TASK FORCE BRAVO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with