Enrile i-house arrest

Philstar.com/File

MANILA, Philippines - Isinusulong ng isang kongresista na maisailalim sa house arrest si Sen. Juan Ponce Enrile dahil sa sakit nitong pneumonia.

Sa resolusyong ihahain ni Isabela Rep. Rodito Albano, hinikayat nito ang Sandiganbayan na payagan ang house arrest sa senador.

Bukod sa sakit dapat din umanong ikonsidera ang edad ni Enrile na 91-anyos na para na rin sa humanitarian consideration.

Iginiit pa ni Albano sa kanyang resolution na kailangan ni Enrile ng medical attention na hindi naman maibibigay ng PNP-General Hospital na mismong inamin umano ni PNP Health spokesman Chief Insp. Raymond Santos.

Ito ay dahil sa kakulangan na rin umano ng pasilidad sa nasabing ospital upang matugunan ang kondisyong medikal ni Enrile. 

Si Enrile ay isinugod sa Makati Medical Center noong Huwebes ng madaling araw matapos umubo ng may kasamang dugo dahil na rin sa sakit nitong pneumonia.

Samantala, bumubuti na ang kondisyon ni Enrile, ayon sa anak na si Jack Enrile.

“He’s getting better. His fever is gone for today. He was just checked by his doctors. He’s under massive intravenous antibiotics. That’s to be expected given the level of infection of his pneumonia. He’s being monitored and right now wala siyang fever, medyo mataas ang appetite. That’s a good indication he’s feeling better,”  pahayag ni Jack.

Gayunman dahil sa sensitibong kalagayan ay tanging immediate family lamang nito ang maaring makabisita sa senador sa ospital.

Show comments