^

Bansa

Enrile may pneumonia

Joy Cantos at Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isinugod sa Makati Medical Center si dating Senate President Juan Ponce Enrile matapos na umubo ng may kasamang dugo dahil sa lumalalang sakit nitong pneumonia.

Sa press briefing, kinumpirma ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas ang pagdadala kay Enrile sa Makati Medical Center mula sa PNP Ge­neral Hospital kahapon ng alas-3 ng madaling-araw.

“We wish him good health and speedy re­covery,” ani Roxas ma­tapos na mairekord sa 39 ang lagnat ng sena­dor simula pa noong Martes.

Nabatid na dumanas ng matinding lagnat ang dating Senate President at naninikip din ang dibdib nito sa pag-ubo na may bahid ng dugo.

Si Enrile ay naka-hospital arrest sa PNP General Hospital dahil sa kinakaharap na mga kasong plunder at graft dahil sa P10 bilyong  pork barrel scam.

Ayon kay Chief Insp. Raymund Santos, doktor ni Enrile sa PNP hospital, kailangan ng karagdagang laboratory testing sa senador.

Sinabi ni Santos na sa sandaling makarekober si Enrile ay bahala na ang korte ng magdesisyon kung mananatili ito sa PNP General Hospital o ililipat sa ibang pribadong ospital. 

Magugunitang Set­yembre nang pagbigyan ng Sandiganbayan 3rd Division ang hirit na hospital arrest ni Enrile.

CHIEF INSP

ENRILE

GENERAL HOSPITAL

MAGUGUNITANG SET

MAKATI MEDICAL CENTER

RAYMUND SANTOS

SENATE PRESIDENT

SENATE PRESIDENT JUAN PONCE ENRILE

SI ENRILE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with